ILOILO CITY – Arestado ang isang dating punong barangay sa Maasin, Iloilo matapos sinilbihan ng search warrant dahil sa pagtatago ng mga armas at granada.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Col Jay Malong, commander ng 601st company ng Regional Mobile Force Battalion, sinabi nito na ang kanilang subject ay si punong barangay Herman Alleza ng Brgy Bolo, Maasin.
Ayon kay Malong, inirereklamo ng mga residente ang madalas na pagpapaputok umano ng armas ni Alleza sa tuwing nalalasing ito.
Pahayag pa nito, intel lider din umano si Alleza ng propaganda ng mga cause oriented groups kung saan siya mismo ang nag-o-organisa at nagtitipon ng mga taong sumusunod sa kanilang grupo.
Ani Malong, lumalabas na miyembro umano si Alleza ng Lambat Paniktik o intel ng Baluy- Platoon ng Central Front ng Komiteng Rehiyon Panay ng New People’s Army.
Sa ngayon, nananatili si Alleza sa kustodiya ng Maasin Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.