-- Advertisements --
Itinalaga ni British Prime Minister Rishi Sunak si dating Prime Minister David Cameron bilang foreign minister.
Si Cameron ay nagbitiw sa puwesto matapos ang anim na taon sa termino.
Naging kontrbersiyal ito ng magsagawa ng referendum sa membership ng Britanya sa European Union.
Sinabi naman ni Sunak na may malaking maitutulong ang dating Prime Minister lalo na sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa.