Kinuha ng TV network na BBC si dating British supreme court judge John Dyson para imbestigahan ang ginawang panayam ng broadcaster na si Martin Bashir kay Princess Diana noong 1995.
Tatakbo ang imbestigasyon kung kinasabwat ba ni Diana ang kapatid nitong si Charles Spencer na gumawa ng mga pekeng bank documents para makumbinsi na mayroong isa sa mga royal staff ni Diana ang naglalabas ng mga impormasyon sa pribadong buhay nito sa mga media.
Ang nasabing mga pekeng dokumento ay naging daan umano para kay Spencer na hikayatin si Diana na magpa-interview sa media.
Dito ibinunyag sa media ni Diana ang kaniyang nalalaman na umabot pa sa punto sa ilabas ang iligal na relasyon ng asawa si Prince Charles of Wales kay Camila Parker Bowles.
Sa panig namang Buckingham Palace na kanilang tanggap ang nasabing gagawing imbestigasyon ay nais nilang humingi ng paumanhin ang award winning na journalist na si Bashir.
Tiniyak naman ng dating judge na si Dyson na agad nitong sisimulan ang imbestigasyon.