Kinumpirma ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na si Jay Ruiz ang itinalagang kapalit niya bilang kalihim ng ahensya.
Ayon kay Chavez, nakausap na niya si Ruiz at ipapakilala ito sa PCO ManCom sa darating na Lunes bilang bahagi ng weeklong transition para sa maayos na pagpapasa ng tungkulin.
Matatandaang naghain si Chavez ng kanyang irrevocable resignation noong February 5, na magiging epektibo sa February 28.
Si Jay Ruiz ay isa ring dating broadcast journalist mula sa isang kilalang TV network. Siya ang ikaapat na magiging pinuno ng PCO sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Nabatid na ang unang naging press secretary ay si Atty. Trixie Cruz-Angeles, na nanungkulan mula Hunyo 30, 2022, hanggang Oktubre 4, 2022. Pinalitan siya ni Cheloy Garafil, na kalaunan ay sinundan naman ni Chavez.
“ I spoke to Jay Ruiz already. I informed him that I will introduce him to the PCO Mancom on Monday, Feb 24, so he can begin a week-long transition, so that by March 1, it’s already a plug-and-play for him as the new PCO Sec. I am also hoping that this kind of transition can be institutionalized in all other agencies,” mensahe ni Sec Chavez.