Nakalaya na matapos maghain ng piyansa ang dating broadcaster na si Jay Sonza.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nakalaya ito dakong alas-9 nitong gabi ng Martes mula sa BJMP-Quezon City Jail.
Nakapagpiyansa ito sa kasong libel at 11 counts of estafa.
Una kasing ibinasura ng QC Regional Trial Court Branch 100 ang kaso nitong syndicated at large scale illegal recruitment case.
Magugunitang noong Hulyo 18 ng maaresto ang dating broadcaster habang papasakay sana ito sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 patungong Hong Kong.
Nadsikubre kasi ng mga taga- Bureau of Immigration na ito ay nakabinbin na kaso kaya agad siyang inaresto.
Panasamantalang nasa kustodiya ito ng Bureau of Immigration dahil ito ay may aktibong warrant sa syndicated and large scale illegal recruitment.