-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos na maaresto dahil sa kasong syndicated and large scale illegal recruitment.

Unang naaresto ito ng Bureau of Immigration (BI) noong Hulyo 18, 2023 ng patungo ito sa Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval na nakita nila ang pangalan ni Sonza na mayroong derogatory records kaya ito ay kanilang pinigilan.

Matapos nito ay ipinasakamay ng BI si Sonza sa National Bureau of Investigation (NBI) custodial center.

Matapos na madala sa NBI ay agad itong inilipat sa BJMP.