Muling sasampahan ng panibagong kaso si dating Bureau of Corrections director general Gerald Bantag, dahil sa mga complaints mula sa mga jail officers ng Ihawig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa Department of Justice, ang reklamo ay nagmula kina Lazaro Rafols Jr, Jer Sahid Mojado, Eddie Jimenez Jr, Richie Canja, Roy Gacasa at Ashler Labrador.
Kasama rin sa mga respondents ang ilang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bucor na kinabibilangan nina dating Spokesman Gabriel Chaclag, Deputy Ricardo Zulueta, Victor Erick Pascua, at walong iba pang Bucor personnel.
Kasong Grave coercion ang kakaharapin ng mga ito na nakatakdang ihain sa Muntinlupa Metropolitan Trial Court.
Nag-ugat ang complaint laban sa mga ito dahil sa umano’y pamimilit nina Gen Bantag sa mga complainants na pumunta sa New Bilibid Prisons matapos masangkot sa isang kaso ng pamamaril sa Ihawid Prisons and Penal Farm.
Ayon sa DOJ, pinilit umano nina Bantag at Chaclag ang mga complainants na pumirma sa ilang mga dokumiyento na nagsasabing walang nangyaring pamamaril sa nasabing kulungan.
Sa kasalukuyan, nahaharap sina Bantag at Zulueta sa kasong murder dahil sa pagkaka-ugnay sa pagpatay sa mamamayag na sina Percy Lapid, at NBP inmate Cristito Villamor Jr. Patuloy ding pinaghahanap ang dalawa, matapos lumabas ang warrant laban sa kanila.