Pumanaw na ang isa sa mga akusado sa kasong pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid ang dating deputy officer sa Bureau of Corrections na si Ricardo Zulueta.
Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police batay sa impormasyong inilabas ni PNP Public Information Office chief, PCOL. Jean Fajardo.
Sa ulat, dakong alas-10:00PM, Marso 16, 2024, nagawa pang maisugod sa pagamutan si Zulueta matapos makaranas ng hirap sa paghinga, ngunit pagsapit ng alas-11:00PM ay idineklara na itong patay ng mga doktor nang dahil umano sa chronic kidney disease at heart failure.
Agad namang dinala ang mga labi ni Zulueta sa Holy Life Funeral Services, Brgy. New San Jose, Dinalupihan Bataan na kalauna’y dinala naman sa Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan.
Kung maaalala, si Zulueta ay ang kapwa akusado ni dating Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag at kapwa nahaharap sila sa dalawang patong na kasong murder nang dahil sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at middleman sa kaso ito na si Jun Villamo