Nakapag-lagak na ng piyansa na nagkakahalaga ng P90,000 para sa kaniyang pansamantalang paglaya si dating budget undersecretary Christopher Lao.
Ayon sa PNP , naaresto ng criminal investigation and detection group (CIDG) nitong Miyerkules ng umaga ang 47-anyos na si Lao sa Barangy 18B, Obrero dahil sa arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan first division na inilabas noong Setyembre 12.
Inilabas ng Sandiganbayan 1st Division chair Maria Theresa Mendoza-Arcega ang warrant laban Lao dahil umano sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ukol sa usapin ng Pharmally.
Una ng kinumpirma ni Ombudsman Samuel Martires na sila ay nagsampa ng kaso laban kay Lao at dating Department of Health Secretary Francisco Duque III sa Sandiganbayan.