-- Advertisements --

Pinayagan na ng Muntinlupa court ang muling pagtestigo ni dating Bureau of Corrections official Rafael Ragos na nauna ng nag-recant ng kaniyang testimoniya sa drug case ni dating Senator Leila De Lima.

Kung maaalala na hindi nakapagbigay ng testimoniya si Ragos nang humarap ito sa korte noong Setyembre 30 matapos na tumanggi ang prosekusyon para ito ay maging testigo.

Ayon kay Judge Abraham Joseph Alcantara, ibinasura ng korte ang motion for reconsideration dahil sa kawalan ng merito matapos ang kanilang masusing pagsusuri sa mga argumento.

Subalit sa naging kautusan nito, sinabi ng hukom na dapat na matukoy kung ano sa kaniyang testimoniya ang mabibigyan ng credence sa pamamagitan ng comparison ng orhinal at bagong testimoniya kaakibat ng paglapat sa general rules of evidence.

Aniya kahit na nagrecant si Ragos sa kaniyang naunang testimoniya, ang mga circumstances ay hindi sapat na basehan para i-disregard o baliwalain ang orihinal nitong testimoniya.

Ayon pa sa korte, na maisisilbi ang hustisya kung ang recantation ni Ragos ay susubukin sa isang pampublikong paglilitis kalakip ng sapat na pagkakataong ibibigay sa prosekusyon upang suriing muli ang umaatras na testigo.

Una ng sinabi ni Ragos sa kaniyang affidavit na pinilit lamang siya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para isangkot si De Lima sa kaso may kinalaman sa iligal na droga.