-- Advertisements --

Naniniwala si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na tatakbong pangulo ng bansa si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang hula, magiging bise presidente aniya nito ay si dating Sen. Bongbong Marcos.

Dagdag pa ni Carpio, ang Duterte-Carpio at Marcos tandem ang nananatiling matibay na tandem ng administrasyon sa ngayon.

Isang nagpapatunay aniya ay ang mga lumalabas na survey sa kasalukuyan.

Paglilinaw ni Carpio, ang mga survey ay hindi sumasalamin sa tunay na resulta ng halalan.