Arestado ang dating miyembro ng CAFGU na kabilang sa NO.4 most wanted person sa Zamboanga del Norte na nahaharap sa kasong three counts of rape and sexual assault sa ikinasang One Time Big Time operation ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Mindanao.
Ayon kay PNP AKG Director BGen. Jonnel Estomo, nagsagawa ng surveillance at manhunt operations ang mga operatiba ng PNP AKG Mindanao Field Unit sa pamumuno ni Lt Col. Clarence Gomeyac laban sa suspek sa may Purok Mars, Barangay Venus, Sergio Osmena sa Zamboanga del Norte.
Sinabi ni Estomo, kasama sa operasyon ng mga tauhan ng AKG ang mga operatiba ng Sergio Osmena Municipal Police Station at Ist Zamboanga del Norte Police Manuever Force Company laban sa suspek na nakilalang si Rochel Enanyog.
Batay sa report, apat na beses hinalay ng suspek ang mismong anak nito na 14 years old nuong March 8,24 at 29,2020 at sinundan ito nuong August 8,2020 sa kanilang mismong bahay sa Barangay Tuburan.
Ang nasabing warrant of arrest at inilabas ni Hon. Jose rene Gallemit Dondoyano, Presiding Judge ng RTC Branch 7, 9th Judicial Region, Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Walang piyansa na inirekumenda ang korte laban sa suspek sa kasong rape.
Bukod sa kasong rape, nahaharap din sa kasong sexual assault ang suspek.
Ayon kay PNP AKG Spokesperson Maj. Rannie Lumactod, nagtago na sa batas ang suspek matapos ireport ang ginawa nitong panghahalay sa sariling anak.
Kasalukuyang nakakulong sa Sergio Osmenisa Municipal Police Station ang suspek.