-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang dating CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) matapos sumabog ang hawak nitong granada sa Barangay Saguigui, Pagudpud, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si German Espiritu y Bulosan, 48-anyos na magsasaka, residente sa nasabing barangay.

Ayon kay Police Lt. Joel Corrales, deputy chief of police sa Pagudpud-Philippine National Police, napulot ni Espiritu ang granada, 200 kilometro lamang ang layo mula sa kanilang bahay at habang hawak umano ito at bigla na lamang sumabog.

Dinala agad ang biktima sa Rural Health Unit subalit idineklarang patay na.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.