-- Advertisements --
Antonio Sanchez
Antonio Sanchez

Posible ng makalaya ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Sinabi ni Bureau of Corrections General Nicanor Faeldon, na sa loob ng dalawang buwan ay makakalaya na si Sanchez.

Kasama siya sa halos 11,000 na mga preso na mapapalaya.

Ayon naman kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, na mapapalaya si Sanchez dahil sa naging mabuti ito habang nakapiit.

Nakasaad kasi sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) na mababawasan ng 15 arawa kada buwan kapag may pagkakataong mag-aral, magturo o mentoring service (TASTM) at expanded sa special time allowance for loyalty (STAL).

Ang dating alkalde ay siyang nasa likod ng panggagahasa at pagpatay sa dalawang estudyante ng University of the Philippines Los BaƱos na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

Noong March 11, 1995 ay ibinaba ni Judge Harriet Demetriou na hatol kay Sanchez.