-- Advertisements --

Pinagtalunan ng US prosecution kung ilang taon dapat manatili sa loob ng kulungan si Paul Manafort, dating campaign chief ni US President Donald Trump.

Ito ay matapos siyang sentensyahan ng pagkakakulong sa loob ng 47 buwan sa salang pagtatago ng milyon-milyong dolyar na kita mula sa kanyang political consulting sa Ukraine.

Kasunod ng pag-aakusa kay Trump na nakipagsabwatan sa Russia noong 2016 elections.

Ayon kay Manafort, naging mahirap para sa kanyang pamilya ang kinakaharap niya ngayon at tanging pagdarasal ang nakatulong sa kanya upang malagpasan ito.

Ngunit tila hindi raw nagpakita ng pagsisisi si Manafort at nagawa pa umano nitong magsinungaling habang isinasagawa ang nasabing hearing.

Samantala, inaasahang sasampahan pa si Manafort ng kasong illegal lobbying sa susunod na linggo.