-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad sa New York ang daing campaign adviser ni US President Donald Trump na si Steve Bannon at tatlong iba pa dahil sa anomalya sa border wall.
Ayon sa US attorney’s Office, tinangay ni Bannon at kasamahan nito ang ilang daang libong dolyar mula sa fundraising campaign para sa pagsuporta sa border wall ni Trump .
Kinilala ang mga kasamahan ni Bannon na sina Brian Kolfage, Andrew Badolato at Timothy Shea na nahaharap sa wire fraud at one count of conspiracy to commit money laundering.
Sinabi Acting Manhattan US Attorney Audrey Strauss, na ginamit ng mga inireklamo ang nasabing proyekto ni Trump para makalikom ng pera.
Nakatakda namang humarap ang mga ito sa korte para sa pagdinig sa kanilang kaso.