-- Advertisements --

Dumipensa si dating Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla matapos na ilang tauhan nito ang naaresto na bumibili ng boto.

Sinabi nito na ang nakuhang mga pera ay bilang “transportation allowance” para sa kanilang mga watchers at volunteers ng kaniyang runningmate na si Ramon “Jolo” Revilla na dadalo sa isang training sa Cavite.

Pinabulaanan nito na may mga nakuhang T-shirts at may mga sample ballots nakuha ang mga umarestong kapulisan.

Nauna rito umabot sa 10 tao ang naaresto na nagsasagawa umano nang pamimili ng boto sa Bacoor City nitong Sabado.

Narekober sa mga ito ang pera na nakalagay sa envelopes na may halagang P75,800 at pera na P83,500 na nasa plastic bag kabilang ang mga t-shirts at mga wrist bands.