-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nagpaalala si dating Catholic Bishops Conference of the Philippes o CBCP president at ngayo’y Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko hinggil sa tamang pagpili ng kandidatong iluluklok sa puwesto sa papalapit na 2019 midterm election.

Sa ipinalabas na mensahe ni Villegas, sinabi nito na hindi nila idinidikta kung sino ang dapat iboto ng mga botante ngunit maari aniya silang maging gabay sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato.

Ayon sa dating CBCP head, gamitin ang konsensiya sa pipiliing kandidato at iboto ang mga tumatakbong naniniwala sa Diyos.

Dagdag pa nito na ang pagboto ay hindi pananagutang makabayan, kundi maka-Diyos.

Sa pagpili rin aniya ng iboboto sa May elections, isaalang-alang ang 10 utos ng Diyos.