-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinasuhan na sa tanggapan ng Office of the Ombudsman si dating Cebu City Mayor Tomas Osmeña dahil sa insidente ng pagtanggal nito sa gamit ng iniwang tanggapan.

Bukod kay Osmeña, nahaharap din sa reklamo ang 12 staff ng dating alkalde at higit 30 kawani ng construction firm na tumulong umano sa pagbabaklas ng mga gamit ng city mayor’s office.

Ayon kay Atty. Rey Gealon ng city legal office kasong malicious mischief at pagnanakaw ang inihain nilang reklamo laban sa dating alkalde at iba pa.

Bukod dito, nakatakda ring sampahan ng hiwalay na kaso ng Department of Interior and Local Government ang respondents matapos ang inspeksyon ng regional office.

Kaugnay nito nilinaw ng bagong alkalde na si Edgardo Labella na wala sa kanyang hurisdiksyon ang kautusang inspeksyon.