-- Advertisements --

Kinasuhan na ang tumatayong chairman at managing partner ng isang energy company sa California dahil sa pagkakasangkot sa umano’y operasyon sa Ponzi scheme.

Sinasabing nasa 50 na ang nabiktima ng suspek at nagkakahalaga ng $15 million ang naloko mula sa mga investors.

Inanunsyo ng mga otoridad ang paghahain ng kaso laban kay Joey Stanton Dodson, 55, ng Indio, California.

Nanguna sa pagsapubliko sa mga detalye sina Assistant Attorney General Brian Benczkowski ng US Justice Department’s Criminal Division, U.S. Attorney David Anderson ng Northern District of California at Special Agent in Charge John Bennett ng FBI San Francisco Field Office.

Isinampa ang mga kaso sa Northern District of California na may kaugnayan sa apat na counts ng wire fraud, three counts of mail fraud and three counts of money laundering.

Inaresto si Dodson nitong umaga at agad na iniharap kay U.S. Magistrate Judge Shashi Kewalramani ng Central District of California.

Batay sa alegasyon mula noong November 2012 hanggang May 2015, gumamit daw si Dodson ng ilang magkakahalintulad na kompaniya at partnerships na tinawag sa Citadel Energy.

Nakapanloko raw ito ng $15 million sa pamamagitan ng pag-solicit sa mga investments sa naturang tatlong limitadong partnerships para makapagbigay ng water-related services, oil at gas companies sa North Dakota.

Samantala patuloy naman ang panawagan ng mga otoriad doon sa iba pang posibleng nabiktima na makipagnayan lamang sa kanial o kaya sa Fraud Section’s Victim Witness website para sa dagdag na impormasyon.