Pormal na inanunsyo ng Korean Air ang pagpanaw ng dating chairman ng kumpanya na si Cho Yang-Ho sa edad na 70 ngayong araw. Ito ay tatlong linggo matapos pagbotohan ng mga investors na tuluyan nang tanggalin si Cho bilang shareholder ng kumanya.
Namatay umano si Cho dahil sa matagal na nitong iniindang sakit sa baga.
Sa ngayon ay kumakaharap sa matinding krisis ang Korean Air matapos masangkot sa eskandalo ang mga nagtatag ng kumpanya, na nauwi sa pagsasampa ng kaso laban kay Cho dahil sa di-umano’y paglustay nito ng pera at breach of trust.
Una ng itinanggi ng negosyante ang mga paratang laban sa kanya.
Matapos ang pag-anunsyong ito ng kumpanya sa pagkamatay ni Cho ay ikinagulat nila ang biglang pagtaas ng 3% sa shares ng nasabing kumpanya.