-- Advertisements --
pacquiao horn
Manny Pacquiao vs Jeff Horn (file photo)

Plantsado na ang muling pag-akyat sa ring ni dating world champion Jeff Horn para harapin ang kababayan din na Australian na si Michael Zerafa na gaganapin sa bagong tayo na 4,000 seat arena na Bendigo Stadium sa August 31.

Ayon kay Bendigo West MP Maree Edwards ang naturang laban ay mapapanood din hindi lamang sa Australia kundi sa bahagi ng Amerika, China at New Zealand.

Kung maaalala si Horn ang nagpahiya kay Sen. Manny Pacquiao para masungkit ang WBA welterweight crown pero noong Hunyo ng nakaraang taon hindi naman siya umubra sa undefeated na American champion Terence Crawford.

Sa sumunod nitong November fight sa catch-weight na 155-pounds, kanyang pinatulog ang dating multi-division champion na si Anthony Mundine sa isang round lamang .

Samantala si Zerafa na lumaban noong Disyembre ay tinalo sa sa twelve round ni dating world champion Kell Brook.

Noong buwan ng Abril bumawi si Zerafa nang talunin ang veteran fighter na si Les Sherrington na umabot lamang sa second round.