-- Advertisements --

Kanina lamang nakalabas ng ospital doon sa Las Vegas ang dating Mexican champion na si Julio Ceja makaraang dumanas ng brutal knockout sa kamay ng Pinoy undefeated champion na si Mark Magsayo.

mark magsayo 1

Kung maalala pinatulog ni Magsayo si Ceja sa 10th round bilang bahagi ng undercard sa Pacquiao-Ugas welterweight championship fight.

Matapos isugod ospital ay magdamag muna itong inobserbahan sa Valley Medical Center bilang precautionary measure.

Kung maalala ang 28-anyos na si Ceja, ay abanse pa sa tatlong scorecards ng mga judges pero nakalusot ang picture-perfect right hand ng Pinoy undefeated boxers na nagpatulog kay Ceja sa lona.

Si Ceja na dating WBC interim super bantamweight champion ay inaasahang magtatagal pa ang medical suspension dahil sa tinamo nitong grabeng knockout.

Target sana ni Ceja (32-5-1, 28 KOs) na makarating mula sa kampeonato sa 126 pounds division para sa WBC featherweight title eliminator pero binigo siya sa pamamagitan ng spectacular knockout nang tinaguriang si Magnifico mula sa Pilipinas (23-0, 16 KOs).