Suko na sa kanyang pagboboksing ang dating two-division world champion na si Timothy Bradley
(33-2-1, 13KOs).
Sinasabing nakatakdang isapormal ni Bradley ang kanyang pagreretiro sa nalalapit na panahon.
Bago ito, balak sana ng Top Rank Promotions na bigyan pa ng laban si Bradley sa mga susunod na buwan kontra kay 2012 Olympian Jose Ramirez pero hindi na umano ito tinanggap ng American boxer.
Si Bradley na mag-34-anyos na sa sunod na buwan, ay nakaranas ng panandaliang problema sa pagsasalita matapos ang matinding laban kontra sa Russian boxer Ruslan Provodnikov noong taong 2013.
Ang naturang bakbakan ay tinanghal na Fight of the Year ng The Ring at ng Boxing Writers Association of Amerika.
Kung maaalala tatlong beses din silang naglaban ni Sen. Manny Pacquiao.
Huling naging laban ni Bradley ay noon pang Abril ng nakalipas na taon matapos na talunin muli siya ni Pacman sa ikatlong laban.
Nito lamang nakalipas na buwan ng Hunyo nagsilbi siyang isa sa mga analysts sa kontrobersiyal na pagkatalo ni Pacquiao kay Jeff Horn sa Australia.