-- Advertisements --

Inirekomenda ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing pinuno ng constitutional commission si dating Chief Justice Reynato Puno.

Isa umano ito sa mga napag-usapan nila ni Pangulong Duterte kagabi nang magkita sila para magpulong matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang pagbalik ng parusang kamatayan sa ikatlo at huling pagbasa.

Bukod sa rekumendasyon na ito ng lider ng Kamara, hiniling din umano niya sa chief executive na italaga na ang iba pang bubuo ng concom para masimulan na ang trabaho para dito.

Matatandaan na batay sa inilabas na kautusan noon ng Pangulo, ang concom daw ay bubuuin ng 25 mga eksperto sa batas.

Pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring naitatalaga dito.