-- Advertisements --

Kinondena ni former Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang nilalaman ng curriculum ng Department of Education sa pagtuturo ng Comprehensive Sexuality Education sa loob ng paaralan. 

Sa isang forum na ginanap ngayong araw, ibinahagi ng dating punong mahistrado ang kanyang natuklasan sa mga official slides na gamit umano sa pagtuturo ng naturang programa. 

Mababasa kasi sa kanyang ipinakitang slides na nakapaloob daw dito ang pagmumungkahi na ilarawan ang maseselang bahagi ng katawan gamit ang iba’t ibang sense organs.

Nangangahulugan umano ito na sa murang edad pa lamang ay pag-uusapan na kaagad ng mga bata ang sariling sexual body parts sa kani-kanilang mga silid-aralan. 

‘Lalaki, malilit na lalaki at babae pag-uusapan nila ang kanilang ari sa isang classroom at gagamitin ang sense organs, hihipuin, titinghan, at nakakadiring isipin ang iba eh aamuyin, titikman at pakikinggan,’ pahayag ni former Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Dahil dito, inihayag ni Former Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang pagkadismaya, kasabay ng pagkuwestiyong muli sa nilalaman ng naturang curriculum.