-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa ngayon ng mga pulis sa nangyaring pagbaril-patay sa dating chief of police ng Calbayog City habang naglalakad ito sa Cebu City kung saan ito inilipat ng assignment.

Ayon kay P/Col. Dante Novicio, chief of records management ng Police Regional Office (PRO)-8, lahat ng posibleng anggulo ang tinitingnan sa ngayon ng mga otoridad sa nangyaring pagpatay kay Police Lt. Col. Joie Pacito Yape, chief ng Provincial Intelligence Branch (PIB) sa Cebu City.

Isa sa mga ito ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ni Yape ang motibo ng krimen at ang posibilidad na may nakaaway o natanggap itong banta sa buhay noong siya pa ang hepe ng Calbayog police station.

Mababatid na naglalakad sa tapat ng isang hotel sa Sitio Molave, Brgy. Kamputhaw Cebu si Yape kasama ang kanyang asawa nang pagbabarilin ito ng riding in tandem.