-- Advertisements --


 

Mariing itinanggi at walang katotohanan ang mga pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes IV laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo walang katotohanan ang naging pagbubunyag ni Trillanes sa diumanoy makailang beses na pagtatangka umano ng kampo ni Duterte na patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tinawag naman ni Panelo na isang renegade si Trillanes na ang gusto lamang aniya nito ay publicity dahil tuluyan na aniya itong nawalan ng silbi sa larangan ng politika o naging politically irrelevant na.

Dagdag pa ni Panelo, ang mga nakalipas na pagkakamali o kasalanan ni Trillanes  bilang isang sundalo at public official ang magsasabi kung ano  at sino talaga ito.

Batay sa naunang pagbubunyag ni Trillanes, sinabi nitong patuloy pa ring kumikilos ang kampo ni dating Pangulong Duterte para makabalik ito sa poder ng kapangyarihan.