-- Advertisements --
Ikinasal ang dating child actor na si Makisig Morales sa kasintahan na Filipino-Australian beauty queen na si Nicole Joson.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa La Perouse ang sikat na tourist spot sa Sydney, Australia.
Sa kani-kanilang mga Instagram account ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga larawan.
Nakilala ng 22-anyos na dating child actor ang kasintahan noong sila ay lumipat sa Australia kung saan nanalo si Joson ng Miss Earth Australia Charity 2017 at naging finalist ng Miss World Australia 2017.
Noong nakaraang Setyembre 2017 ay inalok na ni Makisig ang kasintahan ng kasal.