-- Advertisements --
Kasalukuyang naka-confine sa ospital si Maybelyn dela Cruz matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).
Ayon sa dating child star na ngayon ay 37-anyos na, mabuti naman ang kanyang pakiramdam lalo’t mild symptoms lang ng COVID ang tumama sa kanya.
Gayunman, nagpahayag ito ng pangamba para sa pamilya nito gayundin ang mga nakasalamuha niya.
“I feel well, and I am being closely monitored. My family is scheduled for swab testing on Monday,” bahagi ng pahayag ni Maybelyn.
Kuwento ng aktres, boluntaryo siyang sumailalim sa self-quarantine pagkauwi sa bahay mula sa personal na pakikiisa sa relief operations sa Cagayan kamakailan.
Nagdesisyon din siyang magpa-swab test at hindi inasahan na magpopositibo sa COVID.