-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating Chinese premier Li Keqiang sa edad na 68.
Ayon sa kampo na inatake ito sa puso habang ito ay natutulog ng hatinggabi.
Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na ito nagawang mailigtas pa.
Siya noon sana ang napupusuang manungkulan sa China subalit ito ay naungusan ni President Xi Jinping.
Siya lamang ang incumbent top official ng China na hindi galing sa loyalist group ni Xi.
Kilalang ekonomista at pangalawang may mataas na rangko sa China.
Bumaba ito bilang premier noong Marso kung saan maraming nagpaabot ng pakikiramay dahil sa kaniyang pagpanaw.