Haharap ng hanggang 20 taong pagkakakulong si Kevin Mallory, dating CIA officer, matapos mapatunayang guilty dahil sa pagbibigay nito ng mga sikretong impormasyon sa isang Chinese agent.
Ito ay matapos ang isinagawang pagdinig sa loob ng dalawang linggo.
Ayon sa US justice department, nakita umano nila sa isang surveillance video ang paglilipat nito ng mga classified documents sa isang digital memory card.
Dagdag pa ng mga ito, may access ang suspek sa top-level security clearance at mga sikretong dokumento kung kaya’t hindi raw magiging mahirap para rito na gawin ang pag-eespiya.
Nagawa rin daw nito na tumungo pa ng Shanghai upang makipagkita sa nasabing Chinese agent noong March at April 2017.
“Mallory not only put our country at great risk, but he endangered the lives of [people] who put their own safety at risk for our national defence,” ani US attorney Zachary Terwilliger.
Dagdag pa nito na dapat ay magsilbi itong mensahe sa lahat upang hindi na subukang ulitin pa ang pangttraydor.