Inaresto at sinampahan ng kaso ang dating Central Intelligence Agency (CIA) officer matapos na akusahan itong nagbenta ng mga sensitibong mga dokumento sa Chinese government.
Ang 67-anyos na si Alexander Yuk Ching Ma ay dinakip ng mga otoridad matapos na isang FBI agent ang nagpanggap na Chinese intelligence officer na humingi ng dokumento.
Isinagawa ang operasyon na pagkaaresto kay Ma sa Hawaii.
Ayon kay assistant general for national security John Demers, na matagal na ang nagaganap na Chinese espionage subalit ang nakakalungkot lamang ay mismong mga American intelligence officers pa ang sangkot.
Nahaharap na si Ma na isang naturalized US citizen na isinilang sa Hong Kong ng conspiracy to communicate national defense information to aid foreign government.
Nagtrabaho si Ma sa CIA mula 1982 hanggang 1989.
Nagsimula itong magbenta ng sekretong dokumento mula Chinese intelligence service na isinagawa sa isang hotel sa Hong Kong.