-- Advertisements --

Nakatanggap ng papal award na Pro Ecclesia et Pontifice,’ si dating Chief Justice Artemio Panganiban.

Ito ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ni Pope Francis.

Ang nasabing medalya ay ibinibigay ng Santo Papa sa mga tao na naglaan ng kakaibang serbisyo sa Simbahang Katolika.

Nanguna naman ang Manila Cathedral na bumati kay Panganiban na tumatayong pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation.

Si Panganiban ay nagsilbing ika-21 Supreme Court Chief Justice ng bansa mula Disyembre 2005 hanggang 2007.