Hinimok ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno nitong araw ang Comelec na maglabas ng resolusyon kaugnay nang nangyaring mga aberya sa midterm elections upang mapawi aniya ang pangamba ng publiko.
Sinabi ni Sereno na marapat lamang na tiyakin ng poll body sa mga botante ang kredibilidad ng May 13 elections kasunod ng mga pangamba hinggil sa mga pumalyang vote counting machines at pagka-antala sa delivery ng real-time election results sa media.
“The Filipino people are waiting for assurance that it seriously intends to investigate and provide answers to the many valid questions concerning the conduct of elections,” ani Sereno sa isang statement.
Iginiit ng dating chief justice na napakaraming reklamo at “disconnects” sa kakatapos lamang na halalan kaya marapat lang daw na maglabas ng resolusyon ang Comelec para iditalye ang mga hakbang at matukoy ang timeline para maaksyunan ang pagkabahala ng mga bontante sa halalan.
“The people see the wide gap between the standards that should have been observed, and what actually happened, and they are expecting the Comelec to make itself accountable,” saad ni Sereno.
“It is humbly suggested that the Comelec forthwith issue a resolution embodying legally actionable steps and a timeline to address these questions, to allay our people’s fears and assure them that electoral messes can be remedied,” dagdag pa nito.