-- Advertisements --
Doc Rivers
Doc Rivers

Nagkasundo na umano sina Doc Rivers at Philadelphia 76ers upang doon na mag-coach matapos na biglang maalis siya sa Los Angeles Clippers.

Ayon sa lumutang na impormasyon pumasok daw sa limang taon na kontrata si Rivers pero wala pang nailabas na detalye.

Una nang umani ng atensiyon nitong nakalipas na Martes ang pag-alis ni Rivers, 58, sa Clippers.

Ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, naging mabilis umano ang pangyayari sa kasunduan ng Sixers at Rivers na inabot din ng pitong seasons sa LA.

“After a rapid courtship and negotiation, Doc Rivers has reached agreement on a deal to become the next coach of the Philadelphia 76ers, sources tell ESPN,” ani Wojnarowski.

Kung maalala naging masaklap ang kinahinatnan ng kampanya ng Clippers sa postseason ng NBA sa Walt Disney World makaraang humulagpos sa kanilang kamay ang hawak na 3-1 series lead nang masilat sila ng Denver Nuggets sa Western Conference semifinals.