-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Malikot at miyembro ng noo’y mga batang yagit si Carlos Yulo na nag-umpisang mag-training sa Men’s Floor Exercise na siya ngayong hinirang na Philippine’s 1st ever world champion sa artistic gymnastics.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa former coach ni Carlos na si Ricardo Otero Jr., at kasalukuyang gynmastic coach sa Malaysia, Grade 1 pa lang aniya nang magsimula ito sa gymnastic at sa limang taon nilang training ay nakitaan niya ito ng potential na maraming maipapanalong laro.

”May exemption ‘yan talagang si Caloy, talagang iba ‘yong determinasyon niya. Noong bata pa talagang pagka training, talagang training ‘yan. Seryoso talaga sa mga ginagawa niya. Tiyaka ‘pag sinabi kong ganito talagang sinusunod niya, kaya sabi ko may future ‘tong batang to. Noong nanood ako ng awarding, kinikilabotan agad ako. Sabi ko sa mga kaibigan ko dito sa Malysia, gymnast ko nanalo, pinagsigawan ko talaga,” ani Otero Jr.

Si Caloy ay pangalawang Pinoy na qualified sa 2020 Tokyo Olympics matapos na maging kampion sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Germany.