-- Advertisements --
MELO 1

Patuloy ang pagbuhos nang pakikiramay sa pagpanaw ng dating Comelec chairman na si Jose Melo na pumanaw kagabi sa edad na 88-anyos.

Bago naging Comelec chairman, si melo ay naging associate justice ng SupremeCcourt hanggang taong 2002.

Una nang inanunisyo ni Comelec Spokesman Jame Jimenez ang malungkot na balita.

Ayon kay Jimenez, si melo raw akasi ang naging susi sa transition mula sa mano-mano na halalan patungong full automation mula 2008 hanggang 2010.

James Jimenez
“Sad news tonight. Just received word that Chairman Jose A.R. Melo, former SC Justice, and the COMELEC Chairman who oversaw the country’s transition to full automation from 2008 to 2010, has passed away. He was 88 years old.”

Ipinaabot din naman ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal ang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Melo.

Sinabi ni Larrazabal, nakatakda pa naman sana siyang makipagpulong kay Melo.

Hindi naman nabanggit ng Comelec kung anong sakit ang ikinamatay ng dati nilang chairman.