-- Advertisements --

Kinumpirma ni Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos na nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang mga biyanan na si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at asawang si Corazon “Cora” Abalos.

Ang 84-anyos na dating pinuno ng poll body ay kasalukuyang nasa isang ospital na hindi na tinukoy ng alkalde.

Habang maging si Mayor Menchie ay aminadong naka-home quarantine din.

Paliwanag nito, nagkaroon siya ng close contact sa mga biyanan, pati na ang iba pa nilang kaanak.

Hindi pa batid kung paano nahawa ng COVID-19 ang mag-asawang Abalos, pero nagsasagawa na ng contact tracing ang health authorities.