-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng 10 hanggang 14 na taon ng Sandiganbayan si dating Comelec Comm. Grace Padaca dahil sa kasong malversation of funds.
Nag-ugat ang kaso sa pagpapa-utang umano ng pondo ng lalawigan noong 2007 ng aabot sa P25 million para sa isang non government organization (NGO) ng mga magsasaka na hindi dumaan sa tamang bidding process.
Nasa 6-10 taon naman ang pagkakakulong para sa kasong katiwalian na kaniya ring kinakaharap.
Maliban dito, disqualified na si Padaca na humawak ng anumang pwesto sa gobyerno o tumakbo man sa local o national elections.
Maaaring maglagak ang dating Comelec official ng P140,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.