-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating commissioner ng Commission on Election (COMELEC) na si Virgilio Garcillano sa edad na 86.
Ayon sa pamilya nito, na bigla na lamang natumba ito habang nasa loob ng kanilang comfort room nitong gabi ng Sabado.
Nasa kanilang farmhouse ang dating opisyal sa Barangay Imbatug, Baungan, Bukidnon.
Naging matunog ang pangalan nito ng masangkot sa isang wiretapping controversy noong 2005.
Mapapakinggan sa isang nag-uusap sa telepono na sinasabing ang nasa kabilang linya ay ang pangulo noon na si Gloria Macapagal-Arroyo.
Inilabas ang nasabing isyu na may kinalaman sa canvassing ng 2004 election result kung saan nanalo si Arroyo sa katunggali nitong si Fernando Poe Jr.