-- Advertisements --

Hindi umano nababahala si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa pagpapalabas ng Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) upang pansamantalang pigilan ang substitution para sa pag-upo niya sa Kongreso bilang P3PWD Partylist nominee.

Sa isang statement, sinabi ni Guanzon sa Bombo Radyo na magsasampa sila ng comment sa Korte Suprema sa loob ng 10 araw batay na rin sa kautusan ng korte.

Ang inilabas na (TRO) ay upang pagbigyan ang petition na isinampa ng Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Marie Cardema at kanyang mister na si Ronald Cardema.

Ang P3PWD ay nakakuha ng isang upuan sa incoming 19th Congress.

Sinabi rin ni Guanzon, na nanumpa na noong nakaraang linggo sa isang Court of Appeals justice, ay naghain na rin daw siya ng Certificate of Proclamation sa House of Representatives noong nakalipas na Lunes.