-- Advertisements --

CEBU CITY – Aabot sa halos P800,000 na halaga ng shabu ang nakumpisak ng Mandaue City Police Office (MCPO) PNP at City Intelligence Branch sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Subangdaku, Mandaue City.

Huli si Rodney Ricaplaza, 43, nakatira sa Sitio Oril sa Barangay Banilad, at ang asawa nitong si Yolanda Ricaplaza, 50.

Ayon kay Col. Julian Entoma, director ng MCPO, dati na raw nakulong si Rodney noong 2017 sa parehong kaso ngunit nakalabas kamakailan lang dahil sa plea bargaining ngunit bumalik umano ito sa pagbebenta ng droga.

Basi sa kanilang imbestigasyon, nasa loob umanong piitan ng nasabing lungsod ang source ng shabu na binebenta nila.

Ayon pa rito, kokontakin lang siya kung may supply na bagay na inilarawan ng PNP official na nakakaalarma.

Nakuha mula sa suspek ang shabu na may timbang na 114 grams at may DDB value na nasa P765,000.