-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagpositibo sa COVID-19 si dating Camarines Sur 1st District Representative Cong. Rolando Nonoy Andaya Jr.

Sa isang social media post, nabatid na nang makaramdam umano ito ng sintomas ng nakamamatay na sakit, agad na itong nag-isolate para hindi na makahawa pa ng nasabing virus.

Sa kabila nito, pinaniniwalaan naman na nakuha ng dating kongresista ang sakit dahil sa patuloy nitong pag-iikot sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Camarines Sur.

Samantala sa ngayon, nasa mabuti na umanong kalagayan si Andaya habang nakasailalim na sa quarantine.