-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating bise gobernador at dating kongresista ng lalawigan ng Camarines Norte na si Renato “Jojo” Unico Jr.

Siya ay nagsilbing kinatawan ng noong ito ay lone district pa lamang.

Nang mahati sa dalawang distrito ang lalawigan ay nanungkulan naman siyang kongresista ng unang distrito.

Ayon kay Dr. Catherine Barcelona, binawian ng buhay si Cong. Jojo sa edad na 57.

Habang hindi na idinetalye pa ang sanhi ng pagpanaw ng dating mambabatas.

Si Unico ang nagsulong ng House Bill No. 8800 na kalaunan ay naging batas para sa pagdedeklara sa Camarines Norte State College bilang University of Camarines Norte.

Naging kinatawan siya ng lalawigan noong 12th, 13th, 15th at 17th Congress.

Siya ay anak ng dati ring kongresista na si Congressman Renato M. Unico Sr.