-- Advertisements --

NAGA CITY – Muling tatakbo sa pagka-gobernador ng Camarines Sur si dating Congressman at dating budget secretary Rolando ‘Nonoy’ Andaya sa paparating na eleksyon.

Pinalitan naman ni Andaya si dating Board Member Russel Bañes na una ng naghain ng certificate of candidacy para sa kaparehong posisyon.

Una na dito, isinusulong ng grupo ni Andaya na kumandidato sa pagka-gobernador ng lalawigan si Vice President Leni Robredo ngunit, hindi ito natuloy matapos na maghain ang bise presidente ng COC para sa pagtakbo nito bilang presidente.

Samantala, si Bañes naman ay dati na ring nakalaban ni incumbent Vice Gobernor Imelda Papin noong taong 2019.

Sa ngayon, isa si Papin sa makakalaban ni Andaya maliban pa kay Luigi Villafuerte sa pagka gobernador ng lalawigan ng Camarines Sur sa paparating na 2022 elections.