Nilinaw ng kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves na nasa court custody at hindi muling inaresto ang dating mambabatas matapos ang kaniyang pansamantalang paglaya.
Ito ang ibinunyag ng abogado ni dating Cong. Teves na si Atty. Ferdinand Topacio isang araw matapos palayain ang kaniyang kliyente dahil sa missteps sa request ng gobyerno ng PH para i-extradite ang napatalsik na mambabatas na ayon sa DOJ ay parte ng due process ng gobyerno ng Timor-Leste.
Ayon pa kay Topacio, nasa holding area lang si Teves at wala sa piitan dahil hindi ito inaresto dahil sa umano’y nagawa nitong mga krimen sa PH.
Isiniwalat din ni Atty. Topacio na pinalaya ang dating mambabatas para sa considerable amount of time bago ito ibalik sa kustodiya.
Saad pa ni Topacio na tumestigo siya at iba pang indibdiwal kabilang sina dating Human Rights Commissioner Wilhelm Soriano at dating presidential spokesperson Salvador Panelo para kay Teves sa Court of Appeals (CA) ng Timor-Leste kung saan didinggin ang extradition case ni Teves.
Inaasahan naman na mailalabas ang desisyon sa kaso bago o sa mismong Hunyo 20 ayon sa Department of Justice (DOJ).
Kung maaalala, humaharap si Teves sa patung-patong na kasong kriminal kaugnay sa pamamaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo nong Marso 2023.
Humaharap din ang dating mambabatas sa iba pang mga kaso may kinalaman sa ilang serye ng pagpatay noong 2019.