-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril-patay sa isang dating preso at karelasyon nito pasado alas-7:00 gabi ng Miyerkules sa Purok Silangan, Brgy. Caloocan, Koronadal City.

Kinilala ang mga biktima na sina Bryan Gallan, 30, isang manikurista na residente ng Davao City at karelasyon nitong dating bilanggo na si Rodel Sagun, 21, residente ng Brgy Gapok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Monalisa, kapatid ng isa sa mga biktima, binaril umano ng tatlong lalaki sakay ng Baja motorcycle ang mga biktima.

Lumapit umano sa kanilang boarding house ang mga suspek at pinaputukan ng anim na beses gamit ang hindi pa malamang baril.

Ayon pa kay Saysay, bago ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sinasaktan umano ni Sagun si Gallan at maghihiwalay na sana umano ang mga ito ngunit muling nagkabalikan.

Pinaniniwalaang target ng mga suspek si Sagun at posibleng nadamay lamang ang karelasyon.

Napag-alaman ba bago lamang umano nakalabas mula sa bilangguan si Sagun dahil sa kasong pagnanakaw.