CENTRAL MINDANAO-Personal na atraso ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa dating bilanggo sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Jayson Belandres,25 anyos at residente ng syudad ng Kidapawan.
Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan na sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ang biktima sa Barangay Singao ng lungsod nang dikitan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Barangay Poblacion Kidapawan City.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.
Bago lang nakauwi ang biktima sa lungsod at galing ng Davao City.
Nakulong rin ito ng dalawang taon dahil sa kinahaharap ng kaso,may dalawang anak sa ibat-ibang babae at live-in partner.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril patay sa biktima.