Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office-3 (PPO) ang dating leader ng New People’s Army (NPA) at dating chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa isinagawang operasyon sa Angeles City, Pampanga nitong araw.
Nakilala ang suspek na si Rodolfo Salas o mas kilala sa tawag na alyas Kumander Bilog.
Si Bilog ay nahaharap sa 15 counts ng murder.
Ayon sa PNP Region-3, payapa namang sumama si Salas matapos mahuli sa kanyang tinutuluyan sa Angeles City makaraang isilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest.
Nakuha sa posisyon ni Salas ang caliber .45 na baril at mga bala.
Sa ngayon patuloy pa itong iniimbestigahan sa ilalim ng PRO-3.
Si Salas ay una nang pinaaaresto ng Manila Regional Trial Court noon pang September 2019 kasama si CPP founding chair Jose Maria “Joma” Sison at 37 iba pa dahil sa umano’y mass grave na kagagawan ng mga NPA sa Inopacan, Leyte.
Si Kumander Bilog ay inaresto na rin noong taong 1987 at ikinulong sa PNP headquarters sa Camp Crame.
Matapos siyang mapalaya nong 1992, bumalik si Salas sa Pampanga at doon nag-organisa ng mga kooperatiba para sa mga magsasaka.